Obrero todas sa kuryente

MANILA, Philippines - Patay ang isang 29-anyos na obrero ma­ka­­­­raang makuryente nang sumabit ang hawak na bakal sa isang live wire sa kinukumpuning bahay sa Parañaque City, kahapon ng umaga.

Hindi na umabot ng buhay sa Olivarez Hospital ang biktimang nakilalang si German Aguilar,  residente ng Target Delarama Compound, Brgy. BF Homes.

Sa imbestigasyon, ki­nu­kumpuni ng grupo ni Aguilar ang isang bahay sa Macabuan St., Vitalez Compound, Brgy. San Isidro. Tinatanggal ng bik­tima ang ikinabit na andamyo (scaffolding) nang sumabit ang hawak nitong bakal sa talop na kawad ng kuryente dakong alas-10:30 ng umaga.

Agad na nagkikisay ang biktima dahil sa boltahe ng kuryente na pumasok sa kanyang katawan.

 

Show comments