MANILA, Philippines - Patay ang isang biÂyuda, habang sugatan naman ang isa pa makaraang pagbabarilin ng nag-iisang suspect na nakaÂsuot ng bonnet sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.
Si Melanie Penero, 49, ng Sebastian St., San Roque II, Brgy. Pag-asa sa lungsod ay agad na nasawi matapos ang pamamaril.
Habang sugatan naman si Dante dela Cruz, 41, matapos tamaan ng ligaw na bala sa kanang kamay.
Mabilis namang tumakas ang suspect na nakasuot ng bonnet at long sleeve na t-shirt makaraan ang krimen.
Sa ulat ng pulisya, nangyari ang insidente sa may Sampaguita St., corner Sebastian St., San Roque II, Brgy. Bagong Pagasa, ganap na alas- 3:30 ng hapon.
Ayon kay Severino Carreon Jr., naglalaro sila ng tong-its ng biktimang si dela Cruz, habang ang biktimang si Penero naman ay kumakain ng kanyang tanghalian nang biglang sumulpot ang naka-bonnet na suspect.
Mula rito, agad na nagbunot ng baril ang suspect at pinagbabaril si Penero na agad na ikinasawi nito. Habang si dela Cruz naman ay tinamaan ng ligaw na bala sa kanang kamay.
Narekober ng mga awÂtoridad sa lugar ang anim na basyo ng bala ng kalibre 9mm na baril na ginamit ng suspect sa krimen.
Inaalam pa ng awtoÂridad ang motibo ng nasabing pamamaril sa biktima.