‘No late payment policy’ ng UP-Manila, inalis na
MANILA, Philippines - Matapos ang sunud-sunod na protesta at tinanggap na batikos kaugnay sa pagpapakamatay ni Kristel Tejada tuluyan nang inalis kahapon ng pamunuan ng UP Manila ang ipinatutupad nilang’no late payment policy’.
Ito ang inilabas na desisyon ni UP Manila Chancellor Manuel Agulto kahapon kasabay nang muling pagpapahayag ng pakikiramay sa pamilya Tejada.
Kahapon din pinasok ng mga estudyante ng University of the Philippines ang Philippine General Hospital sa ikalawang araw ng kanilang black protest.
Una rito, nag-walk out ang mga estudyante ng College of Arts and Sciences sa kanilang mga klase at nagtipon-tipon dakong alas- 12:00 ng tanghali bago tumuloy sa PGH.
Nabigo ang mga guwardya ng PGH na maharang ang mga estudyanteng naka-itim at pumuslit hanggang ground floor.
Tinarget ng grupo na mapasok ang tanggapan ng UP Manila administration na nasa PGH upang ituloy ang itinakdang dayalogo sa mga estudyante.
Una nang kinansela ng pamunuan ang dayalogo, dahil walong estudyante lamang ang gusto nilang makausap kaugnay ng aberya sa tuition fee na nagtulak umano kay Tejada na magpakamatay.
Nagkaroon pa ng tulakan sa pagitan ng mga estudyante at guwardya, at napigil lang ng huli ang mga raliyista pagsapit sa Office of the Director.
Una rito, may mga estudÂyante na ring sumugod sa UP Manila at isinulat sa pader ang “Pascual resign now!†at “Katarungan kay Kristel Tejadaâ€.
Samantala, iginiit naman ng faculty department ng BeÂhavioral Sciences ang pagbibitiw ng chancellor at vice-chancellor ng nasabing UP Manila kaugnay sa pagpapakamatay ni Tejada.
Bagama’t hindi solusyon ang pagbibitiw nina UP-Manila Chancellor Manuel Agulto at Vice Chancellor Dr. Marie Josephine De Luna na siya umanong nagpalabas ng memo sa Socialized Tuition Fee and Financial Assistance Program (STFAP) ng unibersidad nais ni Dr. Nemia Simbulan ng faculty department of Behavioral Sciences na magkaroon ng pagbabago sa sistema nito.
Batay anila sa ipinalabas na memo ng unibersidad sa dean at university registrar, ang sinumang estudyante na hindi makapagbayad ng tuition hanggang Agosto 12 ng school year ay hindi ikokonsiderang enrolled.
Ayon kay Simbulan ito naman ang kauna-unahang pagkakataon na nagpalabas ng ganitong memorandum ang UP- Manila.
Paliwanag ni Simbulan, taliwas ito sa nakaraang pamunuan kung saan maluwag ang mga ito sa mga estudyanteng hindi umaabot ng deadline. Binanggit naman ni Simbulan na hindi tumatanggap ng installment na bayad sa UP-Manila.
Sa katunayan umano, hiniling na ni Simbulan na magkaroon ng installment scheme sa pagbabayad ng matrikula tulad ng ibang pribadong kolehiyo subalit hindi naman pinag-aralan ng UP.
- Latest