Pailaw sa Maynila kontra krimen – Lim
MANILA, Philippines - Naniniwala si Manila Mayor Alfredo S. Lim na malaki ang naitutulong ng maliwanag na paligid upang maiwasan ang anumang krimen sa lungsod.
Ito’y kasabay ng pagpapasinaya ng street lights sa A. Mabini St. sa Malate, Maynila kahapon ng umaga.
Ayon kay Lim, nagiging pugad ng mga kriminal ang mga madidilim na lugar kung saan naranasan niya ito noong siya ay isa pang pulis.
Tiniyak din ng alkalde na laging handa ang kapulisan upang labanan ang kriminalidad kung kaya’t dumalo rin sa inagurasyon sina Manila Police District Director Chief Supt. Alex Gutierrez at Station 5 Commander Col. Ferdinand Quirante.
Sinabi naman ni city electrician Engr. Ernesto Cuyugan na sa pagliwanag ng nasabing lugar, mababawasan na ang krimen tulad ng snatching at hold-up.
Aniya, aabot sa 50 porÂsiyento ang matitipid sa ginamit na LED lights.
- Latest