MANILA, Philippines - Tinadtad ng bala ng baril sa ulo at katawan at pinosasan pa ang kamay ng isang security officer nang maÂtagpuan ng isang residente sa lungsod Quezon kahapon ng madaling-araw.
Si Nasrodin Saik, 29, ay nakita na lamang walang buhay na nakaÂbulagta malapit sa isang creek matapos ang pamamaril sa kanya.
Ayon kay PO2 HerÂmoÂgenes Capili ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District, mayroon na silang tinutugaygayang suspect, subalit hindi muna nila ito papangalanan dahil hinihintay pa nila ang taong tetestigo laban dito upang maaresto.
Sabi ni Capili, si Saik ay natagpuan na lamang walang buhay at tadtad ng tama ng bala sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan sa isang creek sa Dubai St., San Roque, Bgy. Pag-asa sa lungsod, ganap na alas-4:30 ng madaling-araw.
Bago nito, nagpaÂpatrulya umano ang secuÂrity guard na si Alican Campong sa Ayala ProÂperty nang makarinig siya ng malalakas na putok ng baril sa nasabing lugar.
Dahil dito, agad na ipiÂnagbigay-alam ni Campong ang pangyayari sa kanilang security officer na si Usman Mangaran kung saan natagpuan ang biktima na duguang nakahandusay sa lugar.
Sa ginawang imbesÂtigasyon ng Scene of the Crime Operations narekober sa lugar ang pitong basyo ng kalibre 45.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing insidente.