^

Metro

Sekyu natagpuang patay, kamay nakaposas

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tinadtad ng bala ng baril sa ulo at katawan at pinosasan pa ang kamay ng isang security officer nang ma­tagpuan ng isang residente sa lungsod Quezon kahapon ng madaling-araw.

Si Nasrodin Saik, 29, ay nakita na lamang walang buhay na naka­bulagta malapit sa isang creek matapos ang pamamaril sa kanya.

Ayon kay PO2 Her­mo­genes Capili ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District, mayroon na silang tinutugaygayang suspect, subalit hindi muna nila ito papangalanan dahil­ hinihintay pa nila ang taong tetestigo laban­ dito upang maaresto.

Sabi ni Capili, si Saik ay natagpuan na lamang walang buhay at tadtad ng tama ng bala sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan sa isang creek sa Dubai St., San Roque, Bgy. Pag-asa sa lungsod, ganap na alas-4:30 ng madaling-araw.

Bago nito, nagpa­patrulya umano  ang secu­rity guard na si Alican Campong sa Ayala Pro­perty nang makarinig siya ng malalakas na putok ng baril sa nasabing lugar.

Dahil dito, agad na ipi­nagbigay-alam ni Campong ang pangyayari sa kanilang security officer na si Usman Mangaran kung saan natagpuan ang biktima na duguang nakahandusay sa lugar.

Sa ginawang imbes­tigasyon ng Scene of the Crime Operations narekober sa lugar ang pitong basyo ng kalibre 45. 

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing insidente.

ALICAN CAMPONG

AYALA PRO

CAPILI

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

DUBAI ST.

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

SAN ROQUE

SCENE OF THE CRIME OPERATIONS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with