^

Metro

NPDC Director nakatanggap ng death threat mula sa illegal vendors

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakatanggap umano ng mga pagbabanta si National Parks Development Committee  (NPDC) Director Juliet Villegas mula sa mga illegal vendors.

Ito’y matapos umanong paalisin ang mga illegal na vendor sa Rizal Park ang may kagagawan ng death threat.

Nabatid na noong Sa­bado ng gabi ay personal na nagreport sa Luneta Police Community Precinct si NPDC Executive Director Juliet Villegas upang ipa-blotter ang natatanggap na death threat.

Pinagbantaan si Villegas  na babatuhin sa oras na  makita itong naglalakad sa Rizal Park at  ipapapatay sakali namang tuluyang hindi makisama at hindi mapakiusapan.

Bagaman walang pa­ngalan at hindi nagpapa­kilala ang mga nagpapadala ng banta sa kanya, naniniwala ang opisyal na ang naturang mga banta sa kanyang buhay ay may kinalaman sa kanyang desisyon na tuluyang paalisin ngayong umaga (Lunes) ang mga illegal vendors.

Paliwanang ni Villegas na ang pagpapaalis sa ilang vendors ay dahil tatamaan ito ng pagsasaayos at pagpapaganda sa lugar na bahagi pa rin ng development program na ipinatutupad ng NPDC para sa pambansang parke o Luneta para naman sa kapakinabangan ng nakararami.

“Matagal na po namin silang sinabihan, mara­ming beses na pong nagkaroon ng dayalogo sa pagitan ng NPDC at mga vendors upang ilatag sa kanila ang plano sa naturang lugar na kanilang ina­angkin, katunayan, nito lamang Biyernes ay kaharap ang Commission on Human Rights represen­tatives, kapulisan at ang City Govern­ment of Manila. Ang lugar po na kanilang inaangkin ay pag-aari ng mamamayang Pilipino at hindi po ng iilan­ lamang­,” pahayag ni Villegas­.

CITY GOVERN

DIRECTOR JULIET VILLEGAS

EXECUTIVE DIRECTOR JULIET VILLEGAS

HUMAN RIGHTS

LUNETA POLICE COMMUNITY PRECINCT

RIZAL PARK

SHY

VILLEGAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with