^

Metro

Ayaw makipagbalikan, ginang hinostage ng ex

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hinostage  ng isang lalaki ang kanyang dating kinakasama at kanilang dalawang anak sa Caloocan City kahapon ng umaga makaraang tumanggi ang babae sa alok na pakikipagbalikan ng una.

Kinilala ang suspect  na si Jerry de Leon, ng  Phase 2, Bagong Silang ng naturang lungsod.

Samantala, kinilala naman ang biktimang si Re­belyn Degado­ at  ang dalawang menor-de-edad na anak nito.

Ayon sa pulisya, naganap ang insidente dakong alas-9:00 sa naturang lugar makaraang magpunta sa bahay ni Degado sa Bagong Silang Caloocan ang suspect upang makipagbalikan na tinanggihan naman ng biktima.

Dahil dito, nagsimulang uminit ang ulo ng suspect hanggang sa tuluyan nitong tutukan ng patalim ang mag-iina at i-hostage.

Makalipas ang ilang oras ay pinalaya rin ng suspect ang dalawang anak at ang nanati­ling hostage nito ay si Degado.

Giniit ng suspect  na ma­kipag-hiwalay na si De­gado sa bagong kinakasama upang maalagaan ang kanilang dalawang anak.      

Dakong alas-3 ng hapon ay napasuko na rin ang suspect sa kondisyong hindi siya kakasuhan ng dating kina­kasama.

 

vuukle comment

AYON

BAGONG SILANG

BAGONG SILANG CALOOCAN

CALOOCAN CITY

DAHIL

DAKONG

DEGADO

GINIIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with