1 miyembro ng acetylene group, timbog
MANILA, Philippines - Nalambat na ng awtoridad ang isa sa miyembro ng Hasanta acetylene group na responsable sa panloloob sa Tambunting pawnshop sa lungsod Quezon sa isinagawang follow-up opeÂration sa lalawigan ng Ilocos Sur, ayon sa pulisya kahapon.
Ayon kay Chief Insp. Rodel Marcelo, hepe ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District, nakilala ang suspect na si Jim Bautista, 21, tubong-Quirino Ilocos Sur na kabilang sa limang grupo na responsable sa serye ng robbery ng mga pawnshop sa Metro Manila.
Ang estilo ng grupo ay maghukay ng tunnel patungo sa target na pawnshop kung saan nila bubutasin ang sahig nito para makapasok at lilimasin ang mga mamahaling alahas at pera sa loob ng vault nito.
Si Bautista ay itinuro ng testigo sa rogue gallery ng huling pawnshop na Tambunting na kanilang nilooban sa Calle Industria St., Brgy. Bagumbayan noong Feb. 13, 2013.
Sinabi ni Marcelo, naaresto si Bautista ng tropa ng CIDU sa may Bulbolen St., Brgy. Cayus, Quirino Ilocos Sur ganap na alas-5:54 ng umaga sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng Las Piñas Regional Trial Court sa kasong robbery na kinasasangkutan nito ang DM Garcia pawnshop.
- Latest