MANILA, Philippines - Dalawang holdaper ang bumulagta makaraang makipagbarilan sa mga pulis sa hiwalay na lugar sa Maynila at Quezon City, kahapon ng madaling-araw. Sa Maynila, patay ang isa sa tatlong hinihinalang holdaper nang maka-engkuwentro ang mga awtoridad matapos na holdapin ang isang pampaÂsaherong jeep kahapon ng maÂdaling-araw sa Sta. Cruz, Maynila.
Dead-on-arrival sa ospital si Rex Tan, 27, ng Sta. Cruz, Maynila sanhi ng tama ng bala sa dibdib at sa binti. Naganap ang krimen dakong alas-2:30 ng madaling-araw sa panulukan ng Lope de Vega at Teodora Alonzo Sts., sakop ng Sta.Cruz.
Nagpapatrulya ang mga pulis nang mapansin ang paghingi ng tulong ng mga pasahero ng jeep na hinoldap ng tatlong kalalakihan na suÂmakay ng tricycle matapos ang insidente.
Sinita ng mga pulis ang nasabing tricycle subalit isa sa mga suspect ang agad na nagÂlabas ng baril at inumang sa mga awtoridad na naging dahilan upang barilin ng parak.
Samantala, utas din ang hindi pa kilalang holdaper nang makiÂpagpalitan ng putok ng baril sa mga nagÂrespondeng pulis sa Cubao, Quezon City. Positibong kinilala ng biktimang si Marites Perez, 38, ang nasawing suspect na siyang humoldap sa kanya. Isang .38 cal. revolver ang nakuha sa suspect.