P3M ari-arian, natupok sa Pasig

MANILA, Philippines -  Tinatayang aabot sa P3 milyon ang halaga ng mga ari-ariang naabo sa sunog na tumupok sa isang three-storey  building sa Pasig City kamakalawa ng gabi.

Alas-11:55 ng gabi nang maganap ang sunog sa Rider Levett Buckhal Building sa 59 Canley Road, Brgy. Ugong, Pasig City.

Nagmula umano ang apoy sa ikatlong palapag ng gusali at kaagad na kumalat dahil puno ng mga dokumento ang tanggapan.

Ayon umano kay Timmy­ Guritan, stay-in employee, nagsimula ang sunog sa isang electric switch box na nag- malfunctioned.

Kaagad namang na­apula ng mga pamatay-sunog ang apoy na uma­bot­ lamang sa unang alarma at idineklarang fireout dakong alas-12:36 ng madaling-araw.

Bahagya lamang na napinsala sa sunog ang una at ikalawang palapag ng gusali.

Wala namang ini­ulat na nasu­gatan sa in­sidente.

 

Show comments