Binatilyong nangholdap, pumatay sa mag-ama, tiklo
MANILA, Philippines - Inaresto ang isang 17-anyos na lalaki nang ituro ng isang saksi na kabilang sa nangholdap at pumatay sa mag-ama sa Del Pan bridge sa Port Area, Maynila.
Dakong alas-12:15 ng madaling-araw kahapon nang damputin ang suspect na si Ernilu, 17, miyembro ng Batang City Jail at residente ng 12th St., Port Area sa gate 3, Port Area.
Una rito, isang saksi ang nagturo sa suspect na si Ernilu, na kabilang umano sa dalawang holdaper na nambiktima kina Eddie Pangaronan Veron, 49, market helperÂ, at anak na si Erick habang naglalakad sa tulay ng Del Pan, na nanggaling umano sa palengke dakong alas- 3:00 ng madaling-araw.
Dahil pumalag ang biktima ay sinaksak ng dalawang ulit sa dibdib si Eddie na naging dahilan ng kanyang kamatayan.
Sa follow-up operation ng MPD-Del Pan PCP, sa pamumuno ni P/Sr., Insp. Mangune, hindi naÂkapalag ang suspect nang positibong kilalanin at ituro ng saksing hindi pinangalanan. Narekober sa kanya ang isang patalim na may marking “ERBâ€.
Nagsasagawa pa ng manhunt sa isa pang suspect sa krimen.
- Latest