23 tripulante nasagip sa karagatan
MANILA, Philippines - Naisalba ang 23 tripulante ng cargo vessel ma tapos masiraan ng makina habang naglalayag sa hilagang kanlurang bahagi ng Dasalan group of Island sa Basilan kamakalawa.
Sa ulat na nakarating sa PCG-Action Center sa Maynila, nakatanggap ng distress signal mula kay Capt. Seme Fuentes ng M/V Ladylyn hinggil sa aberya sa makina ng cargo vessel noong Huwebes ( February 7) kaya rumesponde ang mga taÂuhan ng Phil. Coast Guard lulan ng dalawang barko
Ayon kay PCG spokesman Lt. Commander ArÂmand Balilo, nawalan ng kontrol at namatay ang makina sa gitna ng pagÂlalayag ang nasabing barko kaya sumadsad ito sa nasabing isla,
Napag-alamang kargado ang barko ng tone-toneladang semento.
- Latest