MANILA, Philippines - Sa halip na magpaaresto, mas pinili pa ng isang lalaki na tumalon sa Ilog Pasig sa Sta. Ana, Maynila na naging dahilan ng kanyang kamatayan, kahapon ng umaga.
Hinihinalang may ilang oras nang patay ang biktima na si Benedict Soriano, 25, ng Bldg 5 Phase IV, Guadalupe Bliss, Brgy. Pembo, Makati City. Sa report ni Det. Jonathan Bautista ng Manila Police District (MPD)-homicide section, dakong alas- 8:20 ng umaga nang natagpuan ang bangkay ng biktima sa Pasig River sa Sta. Ana, Maynila.
Nauna rito, nagkaroon umano ng komprontasyon sa pagitan ng biktima at mga barangay tanod dahilan upang arestuhin ito. Sa aktong dadalhin ang biktima ng mga tanod ay pumalag ito at lumakad papuntang ilog saka tumalon at nagsalita pa na “hindi ako sasama sa inyo, kayo ang sumama sa akinâ€.
Mula noon ay hindi na nakita ang biktima hanggang kahapon ng umaga ay natagpuan ang bangkay nito na nakaÂlutang sa nasabing lugar. Bagama’t duda si Bautista sa pagkaÂmatay ng biktima, wala na itong nagawa matapos na tumanggi ang paÂmilya nito na ipa-autopsy ang bangkay.
“Ibig nilang sabihin nang tumalon yong biktima wala silang ginawa, hindi rin nila sinagip o inireport man lamang sa pulisya, kaya lang tumanggi ang pamliya nito na paimbesÂtigahan ang kaso,†ani Bautista.