MMDA ‘di kaya ang ‘Epal posters’

MANILA, Philippines - Inamin ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino na wala silang magagawang aksyon laban sa mga nagkalat na ‘Epal posters’ ng mga kandidato sa buong Metro Manila.

Sinabi ni Tolentino na limitado lamang ang paglilinis nila sa mga nakahambalang na mga posters at tarpaulin.  Una, hindi umano nila ma­aaring galawin ang mga posters na wala namang relasyon sa eleksyon tulad ng mga pagbati sa iba’t  ibang okasyon.

Kabilang dito ang mga Happy Fiesta, ang nagdaang pagbati ng Merry Christmas, paparating na Happy Valentines Day, Happy Graduation, pagbati sa pasukan at iba pa.

Hindi rin umano nila maaaring tanggalin ang mga poster na ikinabit sa mga pribadong bahay dahil sa maaari silang makasuhan.

Kung may kaugnayan naman sa halalan, hindi rin nila maaaring tanggalin ito dahil sa hindi pa naman umano opis­yal na nag-uumpisa ang campaign period.

 

Show comments