Stay-in worker utas sa kuryente

MANILA, Philippines - Patay ang 18-anyos na binata matapos itong makuryente  habang inaayos ang linya ng kuryente ng blower sa loob ng pinagtatrabahuhan nito sa Valenzuela City kamakalawa. Idineklarang patay sa Valenzuela General Hospital si Joem Estores, stay-in worker sa Sam Shirley Garments and Printing Services sa Santiago St., Brgy. Canumay West ng nasabing  lungsod. Ayon sa  imbestigasyon ng pulisya, inaayos ng biktima ang kawad ng blower nang aksidenteng mapahawak ito sa talop ng linya ng kuyente kaya nagkikisay ito. Kaagad naman sinaklolohan ng ilang kasama sa trabaho ang biktima subalit namatay din bago pa  isinugod sa ospital.

 

Show comments