^

Metro

Binatilyo patay sa maton

Ricky T.Tulipat at trainee Ella Dionisio - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang teenager makaraang pagtripang pagsasaksakin ng umano’y maton habang ang una ay naglalakad kasama ang kanyang kaibigan sa lungsod Quezon, kamakalawa.

Si Gilbert Duhaylungsod ng Purok 5, Phase 2, Lupang Pangako ay nagawa pang maitakbo sa ospital subalit binawian din ng buhay dulot ng isang malalim na tama ng saksak na kanyang natamo sa dibdib.

Ang suspect na tinutugis na ng awtoridad ay kinilalang si alyas “Totoy Wakwak” na taga Phase 1, Lupang Pangako, Brgy. Payatas B na mabilis na tumakas makaraan ang krimen.

Ayon kay SPO2 Eric Lazo ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police, nangyari ang insidente sa may harap ng Sarah’s Burger na matatagpuan sa Urban Road, corner Phase 2 St., Lupang Pangako ganap na alas 11:25 ng gabi.

Bago nito, naglalakad ang biktima kasama ang kaibigang si Francis Sartillo sa lugar para bumili ng sigarilyo nang biglang sumulpot ang suspect mula sa likuran at inundayan ng saksak ang una. 

Sinasabing sa kabila ng natamong sugat sa dibdib ay nagawa pa ng biktima na makatakbo, pero hindi pa ito nakakalayo ay bumuwal din agad sa kalye.

Ang suspect nang makita ang biktima sa ganoong sitwasyon ay agad na sumibat sa lugar. Agad namang sinaklolohan ni Sartillo ang kaibigan at ilang tambay sa lugar ang biktima at isinugod sa Fairview General Hospital pero hindi na rin ito umabot pa ng buhay.

Patuloy ang pagsisiyasat ng CIDU sa nasabing insidente.

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

ERIC LAZO

FAIRVIEW GENERAL HOSPITAL

FRANCIS SARTILLO

LUPANG PANGAKO

PAYATAS B

QUEZON CITY POLICE

SI GILBERT DUHAYLUNGSOD

TOTOY WAKWAK

URBAN ROAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with