^

Metro

Reward vs suspect posible pang itaas: Killer ni Nicole, hindi tatantanan - Sec. de Lima

Doris Franche-Borja at Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inihayag kahapon ni Jus­tice Secretary Leila de Lima na pananagutin nila ang ta­ong may kagagawan nito at pagka­ma­tay ni Stephanie Nicole Ella no­ong kasagsagan ng pagsalubong ng Bagong Taon.      

Ayon kay De Lima, ga­ gawin nila ang lahat ng pa­ raan upang matukoy ang  ta­ong responsable sa krimen at mabigyan ng  hustisya ang pagkamatay ng  paslit.

Ginawa ni De Lima ang pagtiyak matapos na duma­law ito sa burol ni Nicole upang ipaabot ang pakikiramay ni Pangulong Benigno Aquino.

“I just came from the wake of Nicole. Pumunta po ako para makiramay at para ipa­rating na rin ang pakikiramay ni President Noy and the assurance to the family na ginagawa ang lahat para ma-solve agad ang insidente at matukoy kung sino ang may kagagawan at papanagutin ito,” ayon sa kalihim.

Kung kailangan uma­nong itaas pa ang reward para ma­kita ang salarin ay gagawin ng pamahalaan mabigyan lang ng hustisya ang pagkamatay ni Nicole.

Sa kasalukuyan ay uma­abot na sa P400,000 ang reward para sa makapagtuturo o makapagbibigay im­­por­mas­yon na nagpapa­putok ng baril na tumama kay Nicole. Una nang nag­bigay si Caloocan City Mayor Recom Echiverri ng P200,000 habang nagdagdag pa ng P200,000 si Valenzuela City Mayor Sherwin Gatchalian.

Kaugnay nito sinabi ni de Lima na kanya ring pagpapa­liwanagin ang prosecutor na may hawak sa kaso ng apat na nahuli at umaming nagpaputok ng baril kung bakit alarm and scandal lamang ang ikinaso sa mga ito.

Gayunman, inatasan na ng kalihim ang prosecutor ge­neral na repasuhin ang fin­dings sa kaso.

“Noong nalaman ko na ganun lang yung charge, I immediately directed the prosecutor general to review the findings kung ‘yan lang ba dapat ang isampa (alarm and scandal). I’m asking for an explanation as to why dinis­miss yung illegal discharge of firearm. Kung pwede ipa-review at i-modify yang charge na ‘yan,” sabi ni De Lima.

BAGONG TAON

CALOOCAN CITY MAYOR RECOM ECHIVERRI

DE LIMA

PANGULONG BENIGNO AQUINO

PRESIDENT NOY

SECRETARY LEILA

SHY

STEPHANIE NICOLE ELLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with