^

Metro

NBI official sinampahan ng patung-patong na kaso

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ipinagharap ng patung-patong na kaso ang isang ma­taas na opisyal ng National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay sa diumano’y kabiguan magbayad ng obligasyon sa milyong  kontratang pinasok ng ahensiya sa Information Technology (IT) provider ng biometrics clearance system.

Mga kasong paglabag sa  Republic Act No. 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act), Republic Act No. 6713 (Code of Conduct and Ethical Standards) and Republic Act No. 9485 (Anti-Red Tape Act) laban kay  NBI Deputy Di­rector­ for Comptrollership Rafael Marcos Ragos sa Office of the Ombudsman.

Bunga ito ng reklamong inihain ng Realtime Data Ma­ nagement Services Inc. (RDMSI), sa pamamagitan ng vice president for external affairs na si  Atty. Orlando Dizon.

Kabilang sa akusasyon ang pag-ipit umano sa bayaring nasa P14 milyon (net of withholding taxes) sa serbis­yong ipinagkaloob ng nasabing kumpanya sa NBI simula Hulyo hanggang Setyembre ng taong kasalukuyan.

Tumanggi umano si Ragos na iproseso ang di pa kum­pletong bayarin sa nasabing IT provider na nagdulot ng ‘undue­ injury’ sa operasyon ng kumpanya tulad halimbawa ng pagbili ng ink cartridges para sa  printers ng 68 sites sa bansa.

Ani Atty. Dizon, hindi umano tumugon si Ragos sa direktiba ni Justice Sec. Leila de Lima at  NBI director Nonnatus Rojas na bayaran na ang RDMSI.

Hiling din ng kumpanya na isailalim sa preventive suspension si Ragos upang di niya umano magamit ang kapangyarihan at posisyon sa imbestigasyon.

Maliban pa dito, may liabilities pa din ang NBI na ser­bis­yong mula Oktubre hanggang ngayong Disyembre na nagkakahalaga ng P17,225,361.90, na ayaw pang bayaran.

 

ANI ATTY

ANTI-GRAFT AND CORRUPT PRACTICES ACT

ANTI-RED TAPE ACT

CODE OF CONDUCT AND ETHICAL STANDARDS

COMPTROLLERSHIP RAFAEL MARCOS RAGOS

DEPUTY DI

INFORMATION TECHNOLOGY

RAGOS

REPUBLIC ACT NO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with