^

Metro

Takot sa meningo: Paaralan sa Mandaluyong, hindi pinapasukan ng mga mag-aaral

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - May tatlong araw na umanong hindi nagsisipasok ang mga estud­yante ng Highway Hills Integrated School sa Mandaluyong City sa takot na dapuan sila ng sakit na meningo­coccemia.

Ito’y kasunod na rin nang pagkamatay ng isang Grade 3 pupil ng paaralan kamakailan na sinasabing nasawi dahil sa naturang sakit.

Nabatid na sa mahigit 3,000 mag-aaral ng paaralan ay mahigit 100 lamang ang pumapasok sa klase matapos na mismong mga magulang na ng mga bata ang nagpa-absent sa kanila.

Kaagad namang nilinaw ni Dr. Pecos Camarines, City Health Officer ng Mandalu­yong City, na walang dapat ikabahala ang mga magulang at mga estudyante.

Aniya, batay sa isi­nagawang pagsusuri ng Department of Health (DOH) sa mag-aaral ay hindi naman meningococcemia ang ikinasawi nito.

Kaugnay nito, nag-iikot na ang mga opis­yal ng paaralan upang himukin ang mga ma­gulang na payagan nang magsipasok ang kanilang mga estud­yante dahil wala naman na umanong dapat ipangamba ang mga ito.

Inaasahang magsa­sagawa rin ng fogging activities ang pamu­nuan ng paaralan para tiyaking ligtas sa anumang bacteria o virus­ ang paaralan para sa ikapapanatag ng mga magulang ng mga estudyant­e.

Nabatid na ilan sa sintomas ng meningococcemia ay lagnat, pananakit ng ulo, an­xiety, pagiging iritable, pananakit ng muscle, pagkahilo, pagkakaroon ng rashes, at pag­durugo sa ilalim ng balat.

 

ANIYA

CITY HEALTH OFFICER

DEPARTMENT OF HEALTH

DR. PECOS CAMARINES

HIGHWAY HILLS INTEGRATED SCHOOL

INAASAHANG

MANDALUYONG CITY

NABATID

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with