Lalaki nagpaalam sa mga kainuman, bago nag-suicide
MANILA, Philippines - Nagawa pang magpaalam ng isang lalaki sa kanyang mga kainuman bago ito nagpatiwakal kahapon ng madaling-araw sa Malabon City.
Patay na nang makita ang biktimang si Rolando Lachica Jr., 22, ng Celia St., Brgy. Bayan-Bayanan ng nabanggit na lungsod matapos itong magbigti.
Sa ulat ng Malabon City Police, dakong alas-11:00 kamakalawa ng gabi, nakikipag-inuman ang biktima sa mga kaibigan sa kanilang lugar nang magpaalam ito sabay sabing “Mga pare, puntuhan ninyo na lang ako sa punerarya”.
Pumasok na sa kanilang bahay ang biktima at natulog na sa lamesa. Dakong ala-1:00 ng madaling-araw, pumasok sa bahay ang tiyuhin ng biktima upang palipatin sa higaan ang pamangkin, subalit laking gulat nito nang makitang patay na habang nakabigti ng nylon cord.
Inaalam na ng mga pulis ang motibo at kung may foul play sa pagkamatay ng biktima.
- Latest