MANILA, Philippines - Isang 14-anyos na binatilyo ang binawian ng buhay matapos itong magbigti ng necktie sa hagdanan ng kanilang bahay sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.
Dead-on-arrival sa Martinez Hospital ang biktimang si Patrick Jude Escalera, ng J. P. Rizal, Maypajo ng nabanggit na lungsod.
Sa ulat ng Caloocan City Police, dakong alas-10:00 ng gabi nang makitang nakabigti ng necktie ang biktima sa hagdan ng kanilang bahay sa naturang lugar.
Agad na kinalag at dinala ng kanyang mga kaanak sa nasabing ospital ang biktima pero hindi na naisalba pa ang buhay nito. Hindi pa mabatid kung ano ang posibleng dahilan sa pagpapakamatay ng binatilyo.
Inaalam na rin ng mga pulis kung may naganap na foul play sa pagkamatay ng biktima.