MANILA, Philippines - Plano ng pamahalaang lungsod Quezon na magkaroon ng dalawang bus para mai-convert na mobile courts na ikakalat para sa programang Justice on Wheels.
Kaugnay nito, inutos ni QC Mayor Herbert Bautista kay City Administrator Victor Endriga na makipag-ugnayan kay Supreme Court Administrator Midas Marquez para maipatupad ang operationalization ng mobile courts.
“Personally, I look forward to seeing more mobile courts in the city to help facilitate the resolution of simple cases in Quezon City,” pahayag ni Bautista.
Sa kanyang panig, sinabi naman ni Endriga na ang kada bus ay may halagang P10 milyon. Inaasahan na mapapasimulan ang proyektong ito kasabay ng inagurasyon sa bagong QC Hall Justice sa susunod na taon.