^

Metro

Misis ng ret. police, 1 pa sugatan sa ambush

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Masuwerteng nakaligtas sa kamatayan ang isang retiradong pulis, asawa nito kasama ang isang kaibigang babae matapos na ambusin ng dalawang armadong suspect sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Ayon sa ulat ng Quezon City Police Station 6, ang mga biktima ay kinilalang sina Eduardo­ Valle, 47, retired PNP, asawang si Czarina Valle, 42, kapwa residente sa Francisco Homes City, SJDM; at Freda Gallego, 39, ng Cielito Homes, Brgy. 177, Camarin, Caloocan City.

Sinabi ni SPO2 Diosdado Peralta, ang tanging nagtamo ng matinding tama ng bala ay sina Czarina at Freda, kapwa­ nasa lending company habang hindi naman nasu­gatan ang retiradong pulis.

Ang dalawang sugatan ay agad na itinakbo sa Far Eastern­ University Hospital kung saan sila nilapatan ng lunas.

Lumilitaw sa pagsisiyasat na nangyari ang insidente sa kahabaan ng Commonwealth Ave. malapit sa Tullahan Bridge, Brgy. North Fairview ganap na alas-9 ng gabi.

Bago ito, minamaneho ng retiradong pulis na si Eduardo ang kanyang kulay gray na Toyota Innova (PIJ-994) katabi si Czarina habang nasa likod naman si Freda nang pagsapit sa naturang lugar ay sumulpot ang mga suspect.

Sa hindi inaasahang pang­yayari, biglang pinaputukan ng mga suspect ang mga biktima, pero nakuhang makadapa agad ng retiradong pulis, su­balit minalas na tamaan ang dalawang kasama nito.

Matapos ang pamamaril ay agad na sumibat papalayo ang mga suspect, habang itinakbo naman sa naturang ospital ang mga sugatang biktima.

Hinala ng awtoridad po­sibleng may kinalaman sa negosyo ang naturang pana­nambang.

 

BRGY

CALOOCAN CITY

CIELITO HOMES

COMMONWEALTH AVE

CZARINA VALLE

DIOSDADO PERALTA

EDUARDO

FAR EASTERN

FRANCISCO HOMES CITY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with