^

Metro

Sekyu shinotgun ang sarili

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inakalang nagbibiro lamang subalit nang marinig na ang putok ng shotgun ay saka na­kumpirmang totohanang nagbaril sa sarili at dead on the spot ang 38-anyos na security guard, sa loob ng quarter nito sa isang residential  compound sa Ermita, Maynila, kahapon ng hapon.

Isang tama ng bala ng shotgun ang tinamo sa ibaba ng dibdib ng biktimang si Leopoldo Avendano, tubong Bicol, em­pleyado ng Hi-Profile Security Agency at stay-in guard sa #1815 Pilar  Hidalgo St.,malapit sa panulukan  ng J. Jacobo St.,  sa Ermita.

Sa ulat ni PO2 Amelito Lopez ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-2:45 ng hapon, nang makarinig ng dalawang malakas na putok ang karelyebong   sekyu  na kinilalang si May Ann Castro, 30.

Sinabi ni Castro sa imbestigador na noong Linggo ay nagsasabi na ang biktima na siya ay magpapakamatay at inakalang biru-biro lang at ma­ging sa text umano  ay panay na ang pamamaalam nito.

Kahapon ay muli na namang nagpaalam ang biktima kay Castro at nang tanungin umano kung ano ang problema ay sinabi nito na seryoso siyang magbabaril na sa sarili.

 Habang nasa labas umano si Castro, ilang minuto lamang ay nakarinig siya ng putok at nang alamin ay nakitang buhay pa at nagpaputok lamang sa ere si Avendano kaya agad siyang tumawag ng pulis subalit nasundan na agad ng putok na ikinabulagta ng biktima.

 “Hindi ako nagbibiro boy, basta magbabaril ako sa sarili,” ito ang huling text na natanggap ni Castro.

vuukle comment

AMELITO LOPEZ

AVENDANO

ERMITA

HI-PROFILE SECURITY AGENCY

HIDALGO ST.

JACOBO ST.

LEOPOLDO AVENDANO

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAY ANN CASTRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with