^

Metro

Bus salpok sa tanker: 2 patay

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawa katao ang nasawi habang lima pa ang suga­tan makaraang banggain ng pampasaherong bus ang sinusundang diesel tanker malapit sa Alabang Exit ng South Luzon Expressway sa Muntinlupa City kahapon ng umaga.

Inisyal na nakilala ang mga nasawi na sina Omer Garcia Jr., 33, konduktor ng bus at ang pasaherong si Alejandro Limbo, 46.

Isinu­god naman sa Ospital ng Muntinlupa ang tatlo sa mga sugatang pasahero na sina Gail Castro, Ma. Cristina Ofalla at Icel Mon­sing.

Nakatakda namang isuko ng pamunuan ng Lippad Bus Transport ang dri­­ver ng kanilang bus na iti­nago muna ang pangalan.

Sa inisyal na ulat na nakarating sa tanggapan ni Sky­way Vice-President Ed Nepomuceno, naganap ang insidente dakong alas-5:15 ng mada­ling-araw sa southbound lane ng Skyway malapit sa Alabang Exit.

Mabilis umano na pinata­takbo ng driver ng Lippad bus (PXP-822) ang sasak­ yan nang banggain nito ang likurang bahagi ng isang diesel tanker (WEV-149).

Nasa kanan at harapang bahagi ng bus ang mga biktima na siyang napuruhan ng pagkakabangga makaraang iiwas ng driver ang bus na biyaheng Alabang-Fairview upang mailigtas ang sarili.

Ayon sa pasahero at sak­­sing si Maricel Ramirez, nag­bi­­bi­ruan umano ang driver at ang kon­duktor na si Garcia nang mauwi ito sa pikunan.  Sa ka­nilang pagtatalo, halos pali­parin na umano ng driver ang Lippad bus hanggang sa tuluyang bumang­ga sa diesel tanker.

Sinabi naman ng driver ng tanker na si Joselito Caday na lilipat umano siya ng lane nang biglang salpukin sa likuran ng naturang bus.

Dahil sa naturang aksidente, lumikha ng matin­ding pagbubuhol ng trapiko sa southbound lane ng SLEX hanggang Sucat Exit.

 

vuukle comment

ALABANG EXIT

ALEJANDRO LIMBO

BUS

CRISTINA OFALLA

GAIL CASTRO

ICEL MON

JOSELITO CADAY

LIPPAD

LIPPAD BUS TRANSPORT

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with