Milyon katao dumagsa sa sementeryo sa MM
MANILA, Philippines - Milyong katao ang dumagsa sa iba’t ibang sementeryo sa Metro Manila kaugnay ng paggunita sa Undas, ayon sa opisyal ng Philippine National Police (PNP) kahapon.
Ayon kay PNP Spokesman Chief Supt. Generoso Cerbo Jr., bandang alas-10 ng umaga bumuhos ang mga tao para dumalaw sa puntod ng kanilang mga mahal sa buhay.
Sa lugar ng Manila Police District naitala sa 800,000 ang bumisita sa North Cemetery; South Cemetery 35,000; La Loma Cemetery 7,000 at Chinese Cemetery 2,500.
Sinabi ni Cerbo sa Southern Police District sa Manila Memorial Park 70,000; Loyola Memorial Park 16,000; Libingan ng mga Bayani 34,200; Manila South Cemetery 30,000; Heritage Cemetery, 700 at Garden of Memories 3,000.
Naitala naman ng Central Police District ang 10,000 katao sa Baesa Cemetery; Himlayang Pilipino 17,000; Holy Cross 4,000 at Novaliches Cemetery 2,500.
Sa monitoring naman ng Eastern Police District sa Loyola Memorial ay nasa 7,000; Pasig Cemetery 4, 300 at Mandaluyong Cemetery 3,500.
Inihayag ng opisyal na sa Northern Police District ay aabot naman sa 20,000 ang dumagsa sa Eternal Gardens at Sangandaan Cemetery 5,000.
Kaugnay nito, nakasamsam naman ang mga awtoridad ng 93 patalim at iba pang matutulis na bagay, 71 flammable materials, limang stereos at ilang baraha.
Samantala, aabot naman sa 10,000 Road Safety Marshals ang idineploy sa iba’t ibang bahagi ng bansa para matiyak ang matiwasay na paggunita sa Undas.
- Latest