^

Metro

‘Calixtorya’ itutuloy muli sa Pasay - Mayor Emi

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
�Calixtorya� itutuloy muli sa Pasay - Mayor Emi
Ang Tapat na Paglilingkod laging hinahamak pero nananatili at mananatiling matatag, maaasahan, at naninil­bihan. From womb to tomb, mula sa sinapupunan hanggang sa sumakabilang-buhay, tuluy-tuloy ang ating serbisyo para lubusang maiangat ang kalidad ng hanapbuhay at kabuha­yan sa ating minamahal na lungsod - Mayor Emi
Courtesy - Pasay LGU

MANILA, Philippines — Tiniyak ni re-electionist Pasay City Mayor Imelda “Emi” Calixto-Rubiano na magpapatuloy ang legasiya at kuwento ng tapat na pamamahala sa kanilang lungsod.

Ito ang mariing sinabi ni Mayor Emi sa isinagawang Proclamation Rally ng Team Calixto na dinaluhan ng nasa humigit-kumulang 50,000 supporters at mga nag-abang sa parada.

Ayon sa alkalde, magpapatuloy ang magandang kuwento sa Lungsod ng Pasay na tinawag niyang “Calixtorya” o kwento ng mahabang panunungkulan ng mga Calixto sa lungsod mula pa nang maupo ng halos tatlong dekada ang kanilang ama na si Duay Calixto, sinundan ito ng tatlong dekada ring paninilbihan ni Congressman Tony Calixto – at ipinagpapatuloy ng kasalukuyang alkalde na si Mayor Emi Calixto-Rubiano.

Isinalaysay rin ng alkalde kung gaano nagsimula ang Lungsod ng Pasay mula sa dating hindi pinag-uusapang siyudad – hanggang sa ngayon na tiniti­ngala ito ng mga karatig na siyudad at foreign countries kung saan binansagan ang lungsod bilang “MICE Capital” of the Philippines at nagpapatuloy na umuukit ng kasaysayan sa progreso, negosyo, at hanap­buhay dahil sa coastal development projects.

Samantalang makakatambal naman ni Mayor Emi sa pagka-Bise Mayor ang 3 terminong topnotcher Councilor ng lungsod na si Mark Anthony Calixto  habang mananatiling kandidato sa pagka-kongresista ang nakatatandang kapatid na si Cong. Tony Calixto.

MAYOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with