^

Metro

590 loose firearms nasamsam sa MM

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umaabot na sa 590 iba’t ibang loose firearms o mga baril na walang lisensya ang nasamsam ng mga ope­ratiba mula sa limang distrito ng pulisya sa serye ng ope­rasyon sa Metro Manila.

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO), ang nasabing bilang ng mga armas ay naitala mula Enero hanggang Oktubre  24, 2012.

Sinabi ni Espina na ang matagumpay na pagkakasamsam ng mga loose firearms ay bunga ng pinalakas na police operations kontra boga, saturation drive, checkpoints, search warrant , warrant of arrest, mobile at foot patrol at iba pa.

Nanguna naman ang Central Police District ng pinakamaraming nakum­piskang armas na umaab­ot sa 169.

Pumangalawa naman ang Manila Police District sa naitalang may 151 ang nakumpiska, sinundan ng Northern Police District na may 112 baril habang sa Southern Police District naman ay umabot sa 108,  at  ang 50 armas naman sa Eastern Police District.

Ayon sa opisyal, tuluy-tuloy ang operasyon ng NCRPO kontra loose firearms upang maiwasan ang mga karahasan.

Samantala, inaasahan namang  madaragdagan pa ito hanggang sa Disyembre kaugnay ng puspusang implementasyon ng de­volution plan  ng NCRPO.

 

AYON

CENTRAL POLICE DISTRICT

EASTERN POLICE DISTRICT

MANILA POLICE DISTRICT

METRO MANILA

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

NORTHERN POLICE DISTRICT

POLICE

SOUTHERN POLICE DISTRICT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with