^

Metro

Mga buto ng tao, nahukay sa Manila City jail

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang mga buto ng tao ang nahukay sa construction site malapit sa Dormitory 13 ng Manila City jail compound  sa Sta. Cruz, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-6:00 ng gabi nang madiskubre sa pag­huhukay ang apat na piraso ng buto ng tao na posibleng ibinaon ng matagal nang panahon.

Nakatakda itong isa­ilalim sa pagsusuri ng PNP Crime Laboratory upang matiyak kung buto ng tao ang na­tagpuan.

Base sa pagtaya ng doktor sa Infirmary ng MCJ, buto ng tao ang na­rekober.

Nabatid na ang mga trabahador ng International Committee on Red Cross (ICRC) ang nag­huhukay na ipinabatid lamang kay Jail Warden Supt Luisito Muñoz. Ang Dormitory 13 ay ekslusibo sa mga presong miyembro ng Sigue-sigue Commando.

Nabatid na naghuhukay ng septic tank ang mga trabahador ng ICRC para may magamit ang mga bilanggo sa loob.

ANG DORMITORY

CRIME LABORATORY

CRUZ

INTERNATIONAL COMMITTEE

JAIL WARDEN SUPT LUISITO MU

MANILA CITY

MAYNILA

NABATID

NAKATAKDA

RED CROSS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with