^

PSN Opinyon

‘Ano po ba ang gout?’

WHAT’S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. - Pilipino Star Ngayon

Magandang araw po Dr. Elicaño. Ako po ay 50-anyos. Itatanong ko po kung ano ang gout. Kasi nalilito ako dahil may nagsasabing rayuma raw ito at may nagsasabi ring arthritis. Masakit po ba ito? Ano po ang dahilan nito?” ---MAXIMO PANARIN, Malolos, Bulacan

Ang gout ay isang uri ng arthritis. Karaniwang itong dumadapo sa mga kalalakihang may edad 40 pataas. Lubhang masakit kapag dumapo ang gout. Palatandaan ng gout ang pagkakaroon ng fever at may namamagang kasu-kasuan. Pinakamasakit na bahagi ang hinlalaki ng mga paa. Nagkakaroon ng gout dahil sa mataas na deposits ng monosodium urate crystals na naiipon sa mga kasu-kasuan. Nasa dugo ang mataas na uric acid.

Karaniwang ibinibigay sa may gout ang Colchicine para mabawasan ang pananakit at ang pamamaga. Gayunman, ang Colchicine ay nagiging dahilan ng diarrhea at ang pinaka-serious na side effects ay ang pagkapinsala ng bone marrow. Ipini-prescribed na rin ang nonsteroidal anti-inflammatory drug kasama ang Allopurinol. Ang Allopurinol ay gamot na humahadlang sa production ng uric acid sa katawan. Ang gamot na ito ay kapaki-pakinabang sa mga may mataas na uric acid blood level at ganoon din sa mga may kidney stones. Dapat namang imonitor ng doctor ang mga gumagamit ng Allopurinol sapagkat ang magtitake nito ay maaaring makaranas ng pananakit ng sikmura, skin rash, pag-decrease ng white blood cell count at maaaring mapinsala ang atay.

Hindi lamang sa hinlalaki maaring tumama ang gout kundi pati na rin sa balikat, siko, daliri, gulugod, baywang at iba pang bahagi ng katawan.

Payo ko para maiwasan ang gout ay: 1) Magbawas ng timbang; 2) Bawasan ang pag-inom ng alak; 3) Bawasan ang pagkain ng atay, utak, sardinas, dried beans, asparagus, cauliflo-wer, mushrooms at spinach; at 3) Uminom nang walong basong tubig araw-araw.

 

ANG ALLOPURINOL

ANO

BAWASAN

BULACAN

DAPAT

DR. ELICA

GAYUNMAN

GOUT

KARANIWANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with