Pagtitibay: Laging may bagong pag-asa ang isa pang umaga. Kung matumal kahapon, ngayon sa grasya ng Maykapal, mauubos ang paninda ko.
TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Mas maganda ang resulta ng trabaho kung pinagkaisahan ng lahat, kaysa umastang boss o sarilihin ang paggawa. Huwag ipagkait na ibigay ang nalalaman sa kapwa. Pasasalamatan ka ng kasamahan sa pagbabahagi ng iyong kaalaman. Huwag maging sakim. Lucky numbers at color for the day ay 4, 12, 31, 40 at Scarlet.
GEMINI (Mayo 21-Hunyo 21) – Kung kaya mong kontrolin ang iyong emosyon, magkakaroon ka ng katangian na makapagtimpi sa kahit anong sitwasyon na dati ay hindi mo kayang gawin. Magkakaroon ka ng pananalig sa sarili sa kahit anong desisyon at gawain. Lucky numbers at color for the day ay 9, 13, 37, 38 at Maroon.
CANCER (Hunyo 22-Hulyo 22) – Balansehin ng maayos ang lahat nang may kaugnayan sa iyong buhay, pag-ibig, pamilya, trabaho, kaibigan, kasamahan at ano pa man. Ang pagbibigay ng malaking atensyon at sobrang oras sa isang bagay ay magdudulot ng hinanakit sa iba. Maghanda hangga’t maaga dahil may bantang unos na darating sa relasyong kaugnay sa pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ay 14, 15, 32, 42 at White.
LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Makabago ang panahon at halos lahat ay moderno. Baguhin ang pag-aayos ng sarili at magtataka ka na maraming hahanga. Iwaglit ang ugaling kinakainisan ng kasambahay, kaibigan o kasamahan at magtaka ka na magiging kagiliw-giliw ka sa kanila at hahatak ka ng maraming tagahanga at kaibigan. Lucky numbers at color for the day ay 12, 18, 28, 39 at Dollar green.
VIRGO (Agosto 23-Setyembre 23) – Nang dahil sa pagpapadaig mo sa iyong emosyon, ang asawa, anak, kaibigan o kasamahan mo ay parang napakalayo ng kalooban sa’yo. Kahit kabaligtaran nito ang nararamdaman mo. Nasa sarili ang paraan sa pagsupil ng emosyon, bagay na hanapan ng paraan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 19, 22, 27 at Beige.
LIBRA (Setyembre 24-Oktubre 23) – Ang pagkanerbiyoso ay dahil sa stress at sobrang pagod. Kung palainom ng kape, panahon na para lumipat sa tsaa o herbal tea. Ang pagpa-therapy o pagpapamasahe ay pagtanggal ng pagod at stress, gawin ito. Alagaan ang kalusugan. Lucky numbers at color for the day ay 16, 18, 29, 39 at Green.
SCORPIO (Oktubre 24-Nobyembre 22) – Disiplina sa sarili ang dapat mong harapin at gawin. Kung may mga mahahalagang lakad o schedules, pag-aralan, repasuhin at maagang matulog. Iwasan ang anumang uri ng paanyaya na magdudulot ng antok sa oras ng trabaho. Ang personalidad ay may malaking merito sa gawain. Lucky numbers at color for the day ay 4, 9, 26, 39 at Pink.
SAGITTARIUS (Nobyembre 23-Disyembre 21) – Huwag isisi sa iba ang nagawang pagkakamali. Panindigan ang nagawa at aminin kung masusumbatan. Sa pagkakamali, maitutuwid ang hindi tama at magiging leksyon ito na hindi na dapat maulit. Sakaling maulit, sinasadya mo na. Lucky numbers at color for the day ay 9, 11, 26, 37 at Blue sapphire.
CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Huwag mangutang o magpautang dahil tiyak hindi mababayaran sa takdang panahon ng pangako. Huwag magpahiram ng gamit dahil tiyak mawawala at hindi maisasauli, kung babayaran naman ay matatagalan. Huwag maningil ngayon, kung may pautang. Dahil mag-aaksaya lamang ng panahon, hindi ka mababayaran. Lucky numbers at color for the day ay 1, 9, 37, 42 at Yellow.
AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Taglay mo ang kalakasan ng ESP at malaking tulong sa paggawa ng maselang desisyon. Asahan na ang kutob ay totoo o magkakatotoo, subalit lalong mabuti kung mapapatunayan muna sa pisikal na ebidensiya bago magkumento. Lucky numbers at color for the day ay 13, 15, 35, 41 at Ocean blue.
PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Manalangin na ang matutuklasan ay magdudulot ng kaligayahan. Ihanda ang sarili sakaling pagmulan ito ng hinanakit. Lahat ng suliranin ay may katumbas na solusyon, na minsan ay nasa harapan na ngunit hindi nakikita dahil sa kalituhan ng isip. Huwag malito. Lucky numbers at color for the day ay 8, 9, 23, 33 at Tangerine.
ARIES (Marso 21- Abril 19) – May bantang unos ang darating sa pamilya, kung hindi hahanapan kaagad ng solusyon ang kasalukuyang problema. Maliit ang problema kung ituring subalit dapat alalahanin ang pinagmulan ng malaking sunog. Harapin ang sitwasyon at may tamang solusyong mahahagilap. Lucky numbers at color for the day ay 2, 7, 19, 37 at Aquamarine.