Pagtitibay: Hakbang-kahandaan ang pagtitipid. Ito ang pagsisikapan kong maisagawa para masigurong may madudukot sa sandali ng pangangailangan ng pamilya.
AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Maging tapat sa sarili at sa kapwa. Iwasan ang magsinungaling. Iwasan ang maging magagalitin. Magkakaroon ng malakas na disiplina sa sarili. Huwag patagalin ang isang bagay na gustong sabihin dahil ito ang magbibigay ng suliranin sa kalaunan. May pagkakataon na makabili ng bagay na hindi kailangan. Lucky numbers at color for the day ang 8, 35, 40, 42 at Gold Yellow.
PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Iwasan ang manghiram at magpahiram ng pera. Iwasan ang maging emosyonal sapagkat ito ang sisira ng maganda mong araw. Maging mahinahon at iwasan ang maging pikon. Makakatulong ang ilang mga kaibigang tapat at nagmamalasakit kung kakailanganin. Lucky numbers at color for the day ang 7, 26, 31, 40 at Ruby Red.
ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Ang pagmamadali ay magbubunga ng pagkakamali na dapat iwasan. Ang pagkakamali ay malamang maulit kung hindi mag-iingat. Sikapin na maging maagap sa pagtupad sa iyong gawain. Ugaliin ang mag-ipon para sa magandang kinabukasan. Lucky numbers at color for the day ang 16, 19, 31, 38 at Peach.
TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Magtiwala sa sariling kakayahan at tiyak magtatagumpay. Magiging suliranin ang hinaing ng puso o ang suliranin ng isang kaibigan. Pasalamatan ang anumang biyayang tinatamasa at magbahagi sa nangangailangan. Ang paggawa sa loob at sa kapaligiran ng bahay ay mahalaga. Lucky numbers at color for the day ang 1, 12, 32, 40 at Green.
GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) – Iwasan ang magalit nang hindi alam ang mga detalye. Paghandaan ang anumang pagkakataong darating. Isang pakikisalamuhang sosyal ang mararanasan. Lucky numbers at color for the day ang 8, 11, 26, 39 at Yellow.
CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Ang aspetong pinansiyal ay siyang makakapagpabago para humanap ng ibang mapagkakakitaan. Mag-ingat sa anumang ginagawa para maiwasan ang disgrasya. Maaaring magbunga ng pagkakamali ang pagkamakakalimutin. Iwasan ang tukso ng karangyaan. Ang hinihintay at pinananabikang balita ay darating o matatanggap. Lucky numbers at color for the day ang 6, 22, 40, 41 at Purple.
LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Mag-ingat sa kilos at pananalita nang hindi makasakit sa damdamin ng kapwa. Pag-ukulan ng pansin ang pakikisama sa kasambahay at katrabaho. Makakaasa sa katapatan ng kaibigan na handang tumulong kung kakailanganin. Ang pakikisalamuhang sosyal ay magiging masaya. Lucky numbers at color for the day ang 15, 19, 35, 38 at Red.
VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Maging mapamaraan sa pakikitungo sa mga kasamahan sa trabaho at kasambahay. Iwasan ang mapikon sa panunukso ng ilang kaibigan. Isang mapalad na transaksiyon ang mabubuo. Huwag patangay sa bugso ng damdamin dahil may bantang mapapahamak. Madaling matutugunan ang suliranin sa pera. Lucky numbers at color for the day ang 4, 27, 35, 39 at Corn Yellow.
LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Isang pagsubok ang magaganap na kailangan ang karunungan, talino at pag-iingat mula sa boss o tungkulin. Isang malapit na kamag-anak ang tatawag upang humingi ng tulong. Ang suliraning pangpamilya ay madaling malulutas kung pagtutuunan ng pansin. Maaayos ang takbo ng gawain. Lucky numbers at color for the day ang 12, 13, 27, 42 at Violet.
SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Huwag itali ang pananagutan sa mahigpit na pangako dahil hindi matutupad. Bigyang halaga ang panig ng iba. Higit mong magugustuhan ang pamamalagi sa bahay. Kasaganahan ang hatid ng araw kung iiwasang magalit. Makakamit ang hangarin. Lucky numbers at color for the day ang 8, 9, 16, 33 at Blue.
SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Nakasentro ang mga pangyayari sa personal na gawain. May pakinabang na pinansiyal ang dadaluhang sosyalan. Matutupad at maibibigay ang matagal nang naipangako. Iwasang gumawa ng mga bagay na ikakasakit ng damdamin ng iba. Lucky numbers at color for the day ang 3, 17, 24, 34 at at Jade Green.
CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Tanggapin ang pagkakamali kalakip ang paghingi ng paumanhin. Malalantad ang magandang pagkakataon na matagal nang hinahangad. Magiging taliwas sa inaasahan ang mga pangyayaring magaganap. Iwasan ang drama para magampanan ang gawain. Lucky numbers at color for the day ang 4, 8, 28, 39 at Orange.