^

Pang Movies

MMFF entries, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

Pang-masa

MANILA, Philippines — Ilang araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon para sa 10 pelikula na kalahok sa ika-50 Metro Manila Film Festival (MMFF). Sa Disyembre 25 ang umpisa ng film festival. Pito sa 10 pelikula ang pamilyang Pilipino. Tiniyak ng MTRCB na nabigyan ng angkop na klasipikasyon batay sa umiiral na pamantayan ng Ahensiya.

Ang romantic comedy na My Future You, ay rated G at angkop para sa lahat ng manonood. Ang pelikulang pinagbibidahan ni Vice Ganda na And the Breadwinner is... at Green Bones, na mula sa panulat ni National Artist for Film and Broadcast Arts Ricky Lee, ay rated PG. Ibig sabihin, ang mga batang edad 13 at pababa ay kailangang kasama ang magulang o nakatatanda sa sinehan.

Rated PG din ang mga pelikulang Espantaho, na pinagbibidahan ng mga premyadong aktres na sina Judy Ann Santos at Lorna Tolentino; Hold Me Close, mula sa panulat at direksyon ni Jason Paul Laxamana, at pinagbibidahan nina Carlo Aquino at Julia Barretto; ang action-adventure na The Kingdom, kasama sina Bossing Vic Sotto at Piolo Pascual; at ang musical na Isang Himala, mula sa direksyon ni Pepe Diokno at sa panulat nilang dalawa ni Ricky Lee.

R-13, o para lamang sa edad 13 at pataas, ang horror na Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital, dahil sa tema, lenggwahe, at ilang eksena na hindi angkop para sa mga batang edad 13 at pababa. Ang palabas na Uninvited, na pinagbibidahan ni Filipino Star for All Seasons Vilma Santos-Recto, Aga Muhlach at Nadine Lustre ay rated R-16 dahil sa matinding tema at maseselang eksena.

Ang Topakk, o mas kilala bilang Triggered sa ibang bansa, ay nagsabmit ng dalawang bersyon at tumanggap ng R-16 at R-18.

Taos-pusong nagpasalamat si MTRCB Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio sa mga pelikulang kalahok ngayong taon. 

 “Isang pribilehiyo po para sa amin sa MTRCB na makatrabaho ang MMFF para sa pagpapalabas ng mga pelikulang Pilipino ngayong Pasko. Ang mga pelikulang ito ay hindi lamang nakakapagpasaya kundi nagpapakita rin ng mayamang kultura at pagkamalikhain natin bilang mga Pilipino,” sabi ni Sotto-Antonio.

“Hinihikayat natin ang publiko na suportahan ang ating local na pelikula. Ang bawat palabas na ito ay binuo ng mga propesyunal at may pagmamahal. Ang ika-50 edisyon ng MMFF ay sumasalamin sa matatag at pagiging malikhain ng pelikulang Pilipino,” dagdag pa niya.

Ngayong ika-5 dekada ng MMFF, nagpasalamat si Sotto-Antonio sa mga stakeholder para sa ‘di matatawarang pagmamahal nila sa industriya ng paglikha.

“Nais naming pasalamatan ang lahat, mula sa producers, direktor, artista, at sa bumubuo ng MMFF para sa kanilang kooperasyon upang mabigyan ng Board ng angkop na klasipikasyon ang 10 pelikula,” sabi ni Sotto-Antonio.

“Tinitiyak namin na ang mga pelikula ay ligtas panoorin ng lahat batay sa angkop na edad habang ini-enjoy ang palabas sa loob ng sinehan.”

MANILA FILM FESTIVAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with