^

Dr. Love

Aristokrata

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ayaw ng nanay ko sa kapitbahay namin na nanliligaw sa akin dahil masyado raw “aristokrata” o mapagmataas, hindi naman talaga ubod ng yaman. Pero sinagot ko na siya at dalawang buwan na kami ngayon.

Mabait naman siya at wala akong kayabangan na nakikita sa kanya. Isa siyang medical student. Naipakilala na rin niya ako sa magulang niya na malayo sa paglalarawan ng aking ina.

Nalaman ko na dating magkaibigan ang ina ko at ina ng boyfriend ko pero naging magkaaway na dahil sa lalaki na pareho silang na-in love.

Gumagawa lang pala ng rason ang nanay ko para hindi kami magkatuluyan. 25 anyos na po ako at tapos ng medical technology. Ano po ang gagawin ko?

Robina

 

Dear Robina,

Nasa tamang edad ka na at walang karapatang manghimasok ang ina mo sa pagpili ng kakasamahin mo sa buhay. Maaaring may kabigatan sa dibdib kung lalabagin mo ang kagustuhan ng iyong magulang, pero future mo ang nakataya.

Sa larangan ng pag-ibig, ang tungkulin lang ng magulang ay magbigay ng payo, pero ang huling desisyon ay nasa iyo.

Dr. Love

DR. LOVE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with