Sunud sunuran sa kaibigan
Dear Dr. Love,
How are you? Hoping all is well with you. Ako po si Myles, 20 anyos. May best friend ako since elementary.
Tawagin mo na lang siyang Reah. Strong ang personality niya at matalino. In fact, siya ang nagdedesisyon para sa akin mula sa mga taong dapat kong kaibiganin o iwasan.
Marami kaming common friends na napapansin ang pagka-domineering ni Reah sa akin.
First time kong magka-boyfriend, at galit na galit siyang tumutol at inutusan akong makipag-break.
Dapat ba akong sumunod?
Myles
Dear Myles,
Hindi siya tunay na kaibigan kundi isang manipulator.
Kung mismong magulang mo ay hindi nanghihimasok sa desisyon mo, sino siya para imaneho ang iyong buhay?
Mabuti pa, putulin mo na ang pakikipagkaibigan mo sa babaeng iyan.
Baka hanggang sa pagkakaroon mo ng pamilya ay hindi niya putulin ang manipulasyon sa buhay mo.
Dr. Love
- Latest