^

Dr. Love

Sex appeal 

Dear Dr. Love, - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tuwing umaga, naglalakad ako ng mga kalahating kilometro para bumili ng pandesal sa pinakamalapit na bakery. 

Isang taon ko nang ginagawa ito at minsan, napansin ko na a few blocks away sa aming bahay, may bagong bukas na sari-sari store. 

Agad nakaagaw ng pansin ko ang isang napakagandang babae na tumatao sa tindahan. Ang lakas ng sex appeal niya kaya na-in love ako sa unang pagkakita ko sa kanya.

Nakipagkilala ako at nalaman kong ang asawa niya ay nagtatrabaho bilang seaman at dalawang taon nang hindi umuuwi.

Nagkahulugan ang loob namin at alam ko na kursunada din niya ako. Hulog na hulog din ang loob ko sa kanya at kung yayayain ko siyang lumabas ay tiyak na hindi ako magdadalawang salita.

Dapat ko bang isulong ang interes ko sa babaeng ito?

Hernan

Dear Hernan,

One word lang ang sagot ko: Hindi.

Lumagay ka sa katayuan ng asawa niya. Nagpapakahirap kang kumita ng pera sa malayong lugar tapos iiputan ka sa ulo ng asawa mo. Keri mo iyan?  

Sa batas ng tao at ng Diyos, pagkakasala iyan. Ang nadarama mo ay init lang ng katawan na dapat mong supilin.

Ang lahat ng gagawing masama ng tao ay babalik sa kanya. Kung ano ang itinanim, ‘yun din ang aanihin. Gusto mo bang mapindeho ng iyong asawa?

Dr. Love

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with