^

Dr. Love

Huwag susuko

Dear Dr. Love, - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Nakulong ako dahil sa self defense. Apat na taon ang binuno, mabuti at naareglo ang kaso ko. Marami rin kasing nagrereklamo sa nadale kong tao.

Palipat lipat kami ng pamilya ko ng tirahan.  Alam naman ng misis ko na takaw-away ako. Lagi kasi akong nakukursunadahan. Siguro dahil sa itsura kong payat na aakalain mong may bisyo.

Kaya kapag magulo sa isang lugar na uupahan namin ay umaalis kami agad. Magastos lang. Mabuti mahusay sa pera ang misis ko. Lagi siyang nagtitinda ng kakanin at tumatanggap ng kahit anong sideline.

Minsan nasisisi ko na ang Diyos, bakit naging mahirap kami. May pagkakataon na gusto ko nang sumuko.

Kardo

Dear Kardo,

Tama ang misis mo, huwag kang susuko. Hindi sa lahat ng oras ay panay hirap. Basta’t manalig ka at tuloy-tuloy na magsumikap.

Dapat lang na umiwas ka lagi sa gulo. Alalahanin mo ang iyong pamilya. Humanap ka pa ng paraan para umasenso ang buhay ninyong mag-anak.

May awa ang Diyos, lalo na sa mga nananalig sa kanya.

DR. LOVE

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with