^

Dr. Love

Sa inaayawan na-in love

Dear Dr. Love, - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,
Bata pa ako ay asar na ako sa lalaking mayabang. Kaya nang magdalaga ako ay ni-ayaw ko makisalamuha sa mga lalaking bagyo ang hangin sa katawan.
Pero sadyang mapagbiro ang tadhana, isang lalaki na napaka angas sa porma at pagsasalita, ‘yung tipong ikaiirita mo talaga ang nakilala ko. Ang matinde, nanligaw siya sa akin. Napakaraming beses ko na siyang binasted, pero ang tigas ng mukha. Hindi raw siya nawawalan ng pag-asa dahil wala naman daw akong boyfriend.
Kahit ako ay hindi makapaniwala sa aking sarili, Dr. Love. Dahil sa walang patid na panunuyo, pagpapadala ng bulaklak, mga sweet messages at surprises, kahit ang parents ko napalapit na sa kanya. Mukhang kakainin ko ang sarili kong salita dahil sa pakiramdam ko ay nahuhulog na ang loob ko sa kanya.
Nito lang nakaraan, ang malaki niyang pasabog, nangharana ba naman at grabe po, ang ganda pala ng boses niya. Para tuloy decided na ko na ibigay sa kanya ang aking “oo”.
Pagpayuhan po ninyo ako, natatakot din akong magsisi. Hindi kaya ginayuma niya lang ako at biglang nag-iba ang hugis ng puso ko para sa kanya?
Beng
Dear Beng,

Nangyayari ang pagbabago ng ihip ng hangin, gayundin ang damdamin. Ang maipapayo ko ay pakasuriin mong mabuti ang iyong kalooban para sa kanya. Hindi naman kailangan magmadali.
Pwede rin naman na hayaan mo lang siyang manligaw nang manligaw.
Sa katagalan ay roon mo makikita ang hangganan ng kanyang pagtitigaya at kung tunay ba ang inaalok niyang pagmamahal sa’yo.
Kung minsan din, kailangan ng sapat na panahon para makumpirma natin ang damdamin para sa isang manliligaw.
Sa sandaling matiyak mo na mahal ka nga niya, at ganon ka rin naman sa kanya, saka mo siya sagutin.
Dr. Love

vuukle comment

DR.LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with