Dear Dr. Love,
Bilang isang Kristiyano, alam ko na ang tao ay dapat magpatawaran. Pero ito mismo ang struggle ko ngayon. Napakabigat sa dibdib ko na patawarin ang sarili kong kapatid. Malaki ang kanyang kasalanan sa akin.
Itago mo na lang ako sa pangalang Ricarte, 27 anyos. Inagaw ng bunso kong kapatid ang pinakamamahal kong girlfriend. That was three years ago at hanggang ngayon ay nadarama ko ang sakit.
Humingi ng tawad sa akin ang aking girlfriend at sinabing na-realize niya na mas mahal niya kaysa sa akin ang aking kapatid.
Inunawa ko sila at parehong pinatawad. Kaso hindi pala seryoso sa dati kong girlfriend si utol. Isa lamang siya sa kanyang mga biniktima. Labis itong dinamdam ng girl nang iwanan siya ng kapatid ko. Binalikan ko siya pero aniya, hindi na siya karapatdapat sa akin.
Gusto kong magpatawad pero nangingibabaw ang aking galit. Ano ang gagawin ko?
Ricarte
Dear Ricarte,
Ang Diyos mismo ay nagsugo ng kanyang kaisaisang Anak na nagbuwis ng buhay para mapatawad ang ating mga pagkakasala, gaano man ito kalaki. In the same way, dapat din tayong magpatawaran.
Sa una ay maaaring mahirap at mabigat gawin ito. Pero kapag inihayag na ng iyong mga labi ang pagpapatawad, mararamdaman mong gagaan ang iyong dibdib.
Kahit hindi siya humihingi ng tawad, ipakita mo sa pamamagitan ng iyong pakikitungo sa kanya na siya ay napatawad mo na.
Dr. Love