Nilalayasan ng misis ‘pag endo na

Dear Dr. Love,

Tawagin na lamang po ninyo akong Domeng. Parang gusto ko ng sumuko. Kasi ang misis ko sinabihan ako na kapag wala akong trabaho, asahan ko raw na uuwi siya sa kanila at isasama ang dalawang anak ko.

Ganun nga ang nangyayari sa amin. Kapag may trabaho ako, babalik siya sa bahay na inuupahan namin. Masaya ang pagsasama namin. Asikasong asikaso ako. Minsan may pabaon pa.

Pero kapag nag-endo na ako. Bigla na lang tumatamlay ang aming relasyon. Pati pasisiping, wala. Humihiwalay pa siya ng higaan. At minsan, hindi na nagpapaalam, umuwi na pala siya sa kanila. Malilit pa naman ang mga anak namin kaya kayang kaya niyang bitbitin.

Ilang beses na akong na-end of contract, ilang beses na rin niya akong nilalayasan. Contractual din si misis, bigla na lang umaalis.

Mabuti na lang bumabalik siya kapag nalaman niyang may trabaho na ako uli. Mabilis na naihahatid sa kanila ng mga “marites” kapag maghapon akong wala sa bahay at gabi na umuuwi.

Paiba-iba ang trabaho ko. Minsan janitor, minsan crew. Kahit na anong trabaho tatanggapin ko basta huwag lang akong iniiwanan ng misis ko. At syempre, ang mga anak ko gusto ko lagi ko silang nakikita.

Hindi raw niya matiis na walang kakainin ang mga anak namin. Kung wala akong sweldo, ‘di nganga sila. Sana nga makakuha na ako ng magandagandang trabaho para mapermante na ako at para magkakasama kami lagi.

Domeng

Dear Domeng,

Kung talagang mahal ka ng asawa mo, kaya niyang gumawa ng paraan para matulungan ka sa budget ninyo kapag wala kang trabaho. Ok lang din naman na uuwi siya sa kanila para matus-tusan ang pang-araw araw ng mga bata. Kaso nakakahiya rin sa biyenan mo. Dapat hindi na nila iniintindi ang pamilya mo. Lu-malabas na pinapaba-yaan mo lamang sila.

Para naman sa asawa mo, hindi siya dapat umuuwi sa kanila para makisiksik doon. Sa ngayon na maliliit pa ang mga anak ninyo, ok lang. Pero kapag malalaki na sila, magi-ging pabigat na sila sa biyenan mo. Kahit hindi nila sinasabi sa iyo.

Ipagdasal mo na may mabuting tao ang tumulong sa iyo para sa magkaroon ka ng permanenteng trabaho. Mahirap talaga ang trabaho na may ilang buwan lang na kontrata.

DR. LOVE

Show comments