Dear Dr. Love,
Magkapitbahay kami ng crush ko pero hindi magkasundo ang aming mga nanay. Kaya hindi ako makaporma sa kanya. Araw-araw akong nag-aabang kung anong oras ko siya makikita. Kung kailangan siya lalabas para bumili sa tindahan sa katabing bahay namin. Bago lang sila sa aming lugar. Bihira ko siyang makitang nasa labas kahit gcq na.
Kaso maladas natitiyempo na laging ang kanyang nanay ang nakikita ko. Nakakatakot pa kung tumingin. Kaya kinakabahan ako kapag nakikita ko ang nanay niya.
Sabi nila mabait naman daw pero hindi talaga sila magkasundo ng nanay ko dahil sa ingay ng aso nila.
Nasurpresa na lang ako dahil magkaklase pala kami online. Sa parehong school kami nag-enrol online. Kaya lumakas ang loob ko at nabuhayan ako dahil nakikita ko siya online araw-araw kahit hindi siya lumalabas.
Humahanap pa ako ng tyempo para magkausap kami kahit sa chat man lang, kasi sa online class. Hoping ako na magiging close friend ko siya.
John Michael
Dear John Michael,
Huwag kang matakot sa nanay ng crush mo. Alam naman niya na maganda at marami ang magkaka-crush sa kanyang anak. Just be yourself at huwag kang mako-concious kapag na encounter mo ang nanay niya. Maging magalang ka at ipakita mong mabait ka sa kanila.
Pasalamat ka at naging kaklase mo siya. Pwede mo itong gawing paraan para mapalipit sa kanya. Basta tandaan lang na priority ang pag-aaral bago ang panliligaw.
Hayaan mo lang muna kahit magkagalit ang iyong mga nanay, hindi naman sa lahat ng oras magiging ganun ang situwasyon. Maaaring kayo pa ang maging daan para magkasundo sila. Basta hinay-hinay lang pasasaan ba at magiging kaibigan mo rin ang crush mo.
Simplehan mo lang and be friendly.
DR. LOVE