Nanghihinayang

Dear Dr. Love,

Hindi ko pa rin kayang tanggapin na hindi na kami ng gf ko. Nagkamali ako dahil binalewala ko siya. Akala ko ganun lang ‘yun.

Almost three years kami. Nito lang January kami nag-break. Kakatapos nga lang ng Christmas.  Marami rin kaming magagandang memories. Sabi nga sweet memories won’t last. Hindi rin naman nawawala ang mga tampuhan at sisihan.

Ako ang mali dahil sinisi ko siya na mas priority niya ang kanyang family, kaysa sa akin. Lalo na nitong Christmas vacation. May panahon kasi na hindi natutuloy ang mga balak namin. Laging dahilan niya nag-set din ng lakad ang parents niya.

Masyado ‘kong naging selfish. Naging palahanap hanggang sa tumabang na ang relationship namin.

Na-miss ko tuloy siya. Ang alam ko may bf na siyang bago. Nitong valentine wala tuloy akong naka-date. I even decided not to be with my friends. KJ ko nga raw.

Nanghihinayang kasi ako sa gf ko. I deserve to be alone. Pati nga parents ko nagtatanong kung bakit wala akong date. I really miss her.

Kung pwede nga lang ibalik ang nakaraan, I’ll make it sure na hindi ko na gagawin ang mga pagkukulang ko sa kanya.

Pasensiya na po. Masyado akong senti.  Gusto ko rin sana siyang balikan pero parang it’s too late na.     

Jann Patrick

Dear Jann Patrick,

Bawal ang magmukmok. Lalong mauubos ang energy mo. Try to start your day na masaya ka. Hindi porket wala si gf mo, pababayaan mo naman ang sarili mo

Gawin mong busy ang sarili mo. Spend your time with your family at try mong ayain ang mga barkada mo to have some fun. Pero hindi bisyo ha.

Sayang kasi ang panahon kung sa pagmumukmok mo lang ilalaan, talo ka. Try mo ring i-explore pa ang mga talents mo. Be creative! Be happy! Enjoy life, iho.

Alam ng Diyos ang mga realization natin. Just pray to Him to give you another chance. Tiyak na masu-surprise ka.

Dr. Love

Show comments