^

Dr. Love

Gustong takasan ang kalungkutan

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Masugid po akong sumusubaybay sa inyong column. Isa po akong bilanggo, gusto ko pong hu­mingi ng payo.

Detinado po ako sa Camp Sampaguita, Muntinlupa  matapos mahatulang mabilango ng mula 8 hanggang 14 taon. Kung loloobin po ng Panginoon ay maaari akong makalaya nang mas maaga sa pamamagitan ng parole.

Pero ang bumabagabag po sa akin ay ang masaklap na balitang hatid ng aking hipag na may kinakatagpong lalaki ang aking asawa. Nasa pangangalaga pa man din niya ang aming­ dalawang anak na babae.

Nakakaunsiyami lang po dahil wala akong magawa kundi tanggapin na lang ang panibagong dagok sa buhay ko.

Gusto ko po na makakawala sa kalungkutan at panumbalikan ng sigla ang buhay ko, Dr. Love. Para mabago rin po ang pananaw ko sa buhay. Ang pagkakaroon ng kaibigan sa panulat ay malaking tulong po bilang pani­nimula.

Sa palagay po ba ninyo ay may kaligayahan pang naghihintay para sa akin? Pagpayuhan po ninyo ako.

Maraming salamat.

Gumagalang,

Fred Barzana

Cell 219

MSC Camp Sampaguita

Muntinlupa City

Dear Fred,

Maraming salamat sa pagtitiwala mo sa column na ito. Sa umpisa ay talagang hindi ma­giging madali ang pagbangon, pero kung hindi ka susuko, siguradong unti-unti ay ma­kukuha mo uli ang kumpiyansa para simulang muli ang iyong buhay.

Sikapin mo lang na mapagbuti ang bawat sandali mo diyan sa loob para makuha mo ang parole. Kapag nalampasan mo ang pagsubok d’yan sa loob, saka mo naman ayusin ang naiwan mong pamilya sa labas ng piitan. Gawin mo ang lahat ng iyan nang may pagti­tiwala at buong pag-asa mula sa Dios.

DR. LOVE 

CAMP SAMPAGUITA

DEAR FRED

DETINADO

DIOS

DR. LOVE

FRED BARZANA

GAWIN

MARAMING

MUNTINLUPA CITY

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with