Second choice
Dear Dr. Love,
Dapat sana’y ikatuwa ko ang pag-iimbita sa akin ng aking crush, na maging partner sa junior-seniors prom sa university na pinaÂpasukan niya nitong bago magbakasyon. Pero hindi ko ito magawa dahil nalaman ko na second choice niya lang ako.
Ang kaibigan kong si Melba ang una niyang nilapitan para imbitahin. Tinanggihan naman siya ni Melba dahil alam daw niyang crush na crush ko si Donald. Sinabi rin niya na may crush din si Donald sa akin.
Pero hindi ako naniniwala.Dahil kung talagang ako ang type ni Donald, ‘di sana ako agad ang inimbitahan niya. Pero hindi ganoon ang nangyari.
Pero Dr. Love, nagulat po ako nang bigla na lang akong yayain ng mommy ko na bumili ng gown para sa prom. Nagsabi pala sa mga magulang ko si Donald na iniimbitahan niya ako na maging partner niya sa prom.
Ano po kaya ang ibig sabihin sa ginawa na ito ni Donald? Bakit sa mga magulang ko agad siya nagsabi? Dapat ba akong magalit kay Donald, dahil agad-agad sa mga magulang ko siya nang-abala? Ano po ang dapat kong gawin? Pagpayuhan po ninyo ako.
Maraming salamat po.
Gumagalang,
Connie
Dear Connie,
Wala akong nakikitang masama sa pagsasabi ni Donald sa mga magulang mo para ipagpaalam na kukunin ka niyang partner sa junior-seniors prom niya.
Ang ginawa niya ay pagpapakita na talagang gusto ka niyang maging kapareha sa isang mahalagang okasyon sa paaralan niya. It’s not a matter of second choice.
Ang totoo, nakakabilib ang ginawa niya dahil ipinakita niya ang katapatan ng kanyang intensiyon na maimbitahan ka. Dahil hindi siya nagkailang dalhin ito sa iyong mga magulang. Kaya naman hindi nakakapagtaka na nagtiwala ang parents mo kay Donald.
Since ganung approve sa daddy at mommy mo, ang dapat mo na lang gawin ay puÂmaÂÂyag na rin at i-enjoy ang pagkakataong makaÂsama ang matagal mo nang crush.
DR. LOVE
- Latest