Natauhan si Jean
Dear Dr. Love,
Isa po akong nurse sa pribadong rehab center, naghihintay na noon ako sa resulta ng board exam para makapagtrabaho sa US at makasama ang aking mga magulang nang ma-in love ako sa isang pasyente ko.
Dahil bawal sa aking propesyon, umaÂyon ako sa planong tanan ni Eddie. Sa bahay ng mga magulang niya kami tumuloy, ikinasal kami at nagkaroon ng dalawang anak.
Noong mga unang taon lang po naging maganda ang pagsasama namin ng aking asawa, dahil ang mga sumunod ay balik na siya sa barkada at bisyo. Ang nakakalungkot po ay kinukunsinti ng kanyang ina ang bagay na ito.
Dumating po sa sukdulan ang pagtitiis ko kay Eddie. Nagpasaklolo ako sa baÂranÂgay dahil sa malimit na pananakit niya. NagÂnanakaw na rin po siya. Maging ang mga magulang ko ay hindi na nakatiis sa sitwasyon ko. Kaya inilayo nila ako at ang aking mga anak kay Eddie. Sila na rin ang umako ng suporta para sa mga bata.
Sa kabila ng mga nangyari, umasa pa akong tutupad si Eddie sa pangakong magbabago na kaya tinanggap ko siya. Pero wala rin pong nangyari. Tuluyan ko nang pinutol ang pakikipagkomunikasyon sa kanya, maging sa pamilya niya.
Ngayon po, isang taon na lang ay maÂtatapos na sa kursong Med Tech ang aking panganay. Makakahanap na rin siya ng trabaho.
Alam kong mahal ko pa si Eddie pero hindi na gaya ng dati, dahil dala na lang ito ng awa. Sana sa sandaling mawala na ang kanyang ina na kumukunsinti sa kanya sa lahat ng bagay, matutunan niyang ituwid ang buhay niya.
Gumagalang,
Jean
Dear Jean,
May pagkakataon na kahit gaano mo pa kamahal ang isang tao, kung ang kapalit nito ay mailagay sa panganib ang buhay mo at ng iyong mga anak, pipiliin mong lumayo at magpakatatag para sa susunod na bukas. Kasama mo ang pitak na ito sa panalaÂnging, makabangon sa pagkalugmok sa droga si Eddie habang may tsansa pa siya.
DR. LOVE
- Latest