Tutol ang magulang

Dear Dr. Love,

Kumusta po kayo? Sana ay datnan kayo ng sulat ko na nasa mabuting kalagayan.

Ako po si Cynthia, 20-anyos at gra­duating sa college sa darating na Marso.

Gusto po ng boyfriend ko na magpa­kasal na kami dahil matatapos na naman kami kapwa­ ng pag-aaral.

Nang sabihin ko ito sa aking mga magulang ay nagalit sila at tahasang tumutol.

Sabi nila sa akin, maghintay muna ako ng kahit isang taon at mag-enjoy ako sa pag­ka­dalaga habang may trabaho.

Kahit anong kumbinsi ang gawin ko ay hindi ko sila mahimok. Sabi ng boyfriend ko, walang tutol ang magulang niya. Kung ayaw ko raw ay mag-break na kami.

Mahal ko ang boyfriend ko. Ano ang aking­ gagawin?

Cynthia

Dear Cynthia,

Tama ang mga magulang mo. Pinaghirapan nilang itaguyod ang pag-aaral mo tapos ‘yung isang taon na hinihingi nila ay hindi mo mapagbigyan?

Bakit kayo kailangang mag-apura? Sabi mo mahal mo ang boyfriend mo. Pero sa tingin ko ay hindi ka niya mahal dahil ang mahal niya ay sarili niya lamang.

Kung matino siyang anak ay mananatili rin siyang binata muna at suklian ang paghihirap ng mga magulang niya sa kanya­. Ano ba naman ang 365 araw na paghi­hintay?

Sundin mo ang parents mo at ilaglag mo ang ganyang uri ng lalaki.

Dr. Love

Show comments