^

Dr. Love

Pinagtagpo muli

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Isa po ako sa marami n’yong tagahanga dahil sa magaganda ninyong payo sa mga may problema sa love.

Sana ay mapaunlakan ninyo na matampok ang sulat ko sa inyong popular na column­.

Tawagin n’yo na lang akong Iris, 24 an­yos at dalaga pa na nagtatrabaho sa isang pabrika ng biscuit.

Noon ako po ay nasa edad na 18, nagkaroon ako ng boyfriend  at dahil sa kapusukan ng isang kabataang tulad namin ay nakalimot kami sa sarili. Naibigay ko ang aking pagkadalaga sa kanya.

Pagkatapos noon ay nawala na lang siya dahil lumipat ang pamilya niya sa ibang lugar.

Nakapag-asawa na ako ng iba ngayon­ at may isa na kaming baby na pitong buwan­  na ang edad.

Nang mapasok ako sa pabrika ng biscuit ay hindi ko akalaing magtatagpo kami rito ng dati kong boyfriend. May asawa na rin siya na katrabaho rin namin.

Kaso po, laging makahulugan ang ti­ngin niya sa akin. Ayaw ko nang makalimot sa sarili. Ano ang gagawin ko?

Iris

Dear Iris,

Mahirap naman kung ipapayo ko na mag-resign ka sa trabaho para siya iwasan dahil batid kong mahirap humanap ng trabaho. Basta huwag mo na lang siyang pan­sinin. Palagay ko ay hindi siya manga­ngahas na gumawa ng hakbang para mag­kabalikan kayo dahil kasama ninyo sa trabaho ang asawa niya.

Mabuti rin na magtapat ka sa iyong asawa­ at kung maaari ay magpasundo ka sa kanya pagkatapos ng trabaho para walang pagkakataon na magkasama kayo ng ex mo na kayo lang dalawa.

Pero habang hindi ka niya kinukulit ay wala kang dapat alalahanin. Mag-iingat ka lang palagi at lagi mong isipin ang kabu­tihan ng iyong pamilya.

Dr. Love

 

ANO

AYAW

DEAR IRIS

DR. LOVE

ISA

KASO

MAHIRAP

NAIBIGAY

SHY

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with