Magpakatotoo ka
Dear Dr. Love,
My sweet greetings to you. Halos dalawang taon na akong walang palyang mambabasa ng PS NGAYON at ang favorite column ko ay Dr. Love.
Tawagin mo na lang akong Digna, isang single mother at 26-anyos na. Seven years old na ang kaisa-isa kong anak na bunga ng aking kapusukan nung ako ay bata pa.
Ipinakikilala ko ang aking anak bilang pamangkin lalo na sa mga lalaking nanliligaw sa akin.
Pero naiisip ko na walang lihim na hindi nabibisto at baka bumaba ang tingin sa akin ng mga kalalakihan kung ito’y malaman nila.
Kaso nagwo-worry ako na baka tabangan sa akin ang mga manliligaw ko kapag inamin ko ang totoo.
Pagpayuhan mo sana ako, Dr. Love.
Digna
Dear Digna,
Totoo ang sinabi mo. Ipakatagu-tago mo man ang lihim ay darating ang panahong ito’y malaÂlaman din.
Wala kang dapat ikatakot kung ito’y agad mong sasabihin hindi lamang sa mga manliligaw mo kundi kahit sa mga bagong kakilala o kaibigan.
Ipakita mo sa kanila na ikaw ay mapag-aruga at mapagmahal na ina at ikaw ay hahangaan kahit pa ang anak mo ay bunga ng kapusukan.
At kung mahal ka ng isang manliligaw, walang dahilan para ilaglag ka niya dahil lamang may anak ka sa pagka-dalaga.
Iyan ang payo ko. Huwag mong ikahiya ang iyong anak at huwag kang mangambang lalaÂyuan ka. Higit na hinahangaan at iginagalang ng tao ang sino mang tapat at nagpapakaÂtotoo.
Dr. Love
- Latest