Dear Dr. Love,
Biyernes Santo nang isulat ko ang liham na ito para sa iyo. Habang nagdurusa ang ating Panginoong Jesus, ako rin ay nagdurusa dahil isang taon na akong iniwanan at hindi binabalikan ng aking asawa.
Tawagin mo na lang akong Lara, 26-anyos. Mabait ang aking asaÂwang si Simon pero ako ang may pagkukulang. Sabi ng mga kaibigan ko, masyado akong domineering sa kanya.
Ngayon ko lang na-realize ang aking pagkakamali. Masyado ko siyang minamaliit sa kanyang mga desisyon at napagtataasan ko siya ng tinig. Kasi, graduate ako ng economics at may masteral degree pa. Ang mister ko ay undergraduate ng dentistry.
Minsan ay nasabi niya sa akin na ramdam niya’y masyado akong mataas para sa kanya kaya aalis na lang daw siya sa aming inuupahang bahay. Pasinghal kong sinabing “Eh ‘di umalis ka.â€
Hindi ko akalaing tototohanin niya ito. Ngayon ako nagsisisi. NagÂkakausap kami sa text at humihingi ako ng tawad. Sabi niya pinatatawad na niya ako pero hindi na siya puwedeng makipagbalikan.
Ano ang gagawin ko para mapapayag ko siyang magkasundo kaming muli?
Lara
Dear Lara,
Madalas ay hindi natin nata tanto ang halaga ng isang bagay sa buhay natin hangga’t ito’y hindi nawawala.
Sa kaso mo, wala akong maipapayo kundi magtiyaga kang suyuin ang iyong lumisang asawa at baka sa kalaunan ay makita niya ang katausan ng iyong pagsisisi.
Lakipan mo ito ng taimtim na dalangin sa Panginoon na palamÂbutin niya ang puso ng iyong asawa para magkaroon kayo ng muÂling pakikipagkasundo. Kasama mo ako sa dalangin na magkaroon ng masayang katapusan ang iyong problema.
Dr. Love